Thursday, October 05, 2006

Gawaing Pangmisyonaryo

Sa Pilipinas, may programang itinatanggal at sumasahimpapawid sa 1062 kHz DZEC-AM at Net 21, dalawang istasyong pag-aari ng INC's Eagle Broadcasting Corporation. Mapapanood at maririnig ang nasabing programa tuwing ika 8 ng hapon hanggang 12:00 ng hatinggabi.

Sa Hilagang America, isang programang pantelebisyon ang may pangalang "The Message" na produced naman ng Iglesia ni Cristo sa San Francisco Bay Area. Sa kasalukuyan ito ay naisahihimpapawid sa Estados Unidos at Canada at sa ilang bahagi ng Europa. Ang tatlumpong minutong programang ito ay tinatampukan ng ibat ibang ministro ng INC na nagpapalit palit tuwing may palabas.

Mayroon ding magasin para sa kongregasyon sa buong mundo na may pamagat na "God's Message" (kilala rin sa dating tawag na Pasugo). Ang God's Message ay naipiprinta sa Tagalog at Ingles na edisyon. Mayroong mga edisyon na parehong may Tagalog at Ingles. Ang magasin na ito ay binubuo ng mga liham sa editor, balita sa mga lokal sa buong mundo, relihiyosong tula, at mga artikulo hinggil sa pananampalatayang pang Iglesia ni Kristo, direktoyo ng mga lokal sa labas ng Pilipinas, at nagpapalabas din ng mga talapalabas ng mga serbisyong pagsamba. May mga pamphlets din na ibinibigay sa mga miyembro na nagpapakilala sa mga paunahing tagapagsalita tuwing mayroong nakatakdang pagsamba.

Mayroon ding gawaing naglalayon nang pagtulong sa mahihirap. Nakapagtatag na sila ng pabahay gaya ng "Tagumpay Village" at nagbibigay ng libreng gamutan at serbisyong dental sa mga proyektong gaya ng "Lingap Sa Mamamayan". Bukod dito, mayroon rin silang mga serbisyong pangkomunidad gaya ng paglilins ng lansangan, pagtatanim at pag-dodonate ng dugo.

No comments: