Friday, August 10, 2007

Salamat sa pagpapala. . Ama napakabuti

Panginoon po naming Dios pinupuri at sinasamba ka po namin alang alang sa lahat ng pag papala Mong patuloy na pinagkakaloob sa amin ang mga salita mong tanging bumubuklod sa amin ay nanataling nakatanim sa aming puso at isipan SALAMAT PO SAPAGKAT PINAGTAPO MO ANG AMING KAPALARAN. Salamat sa walang sawang pagmamahal at pag aalaga Mo sa amin Ama. Salamat sa lahat ng biyayang pinagkakaloob mo sa amin araw. Sa amin sana ama ay wag ika'y magsasawa. Isang taon na lamang nung araw na yun... Nalalapit na ang araw ng aming pag iisang dibdib sa amin sana Ama maawa ka. Balutin ng pagmamahal mo ang pagmamahalan namin aral Mo Ama ang maging tanglaw. Sa tukso wag kaming ipahintulot sa pagkakamali wag kaming masumpungan. Sa araw na iyon maanong bakuran mo ng biyaya at pag-ibig Mo ang pag-ibig namin. Sa amin Ama magpatawad ka. .

Salamat