paano ba ako magsisimula? siguro umpisahan ko sa mga pangyayari bagong nagsimula ang mga nasabing aktibidad.
Una bukod sa mga area caucus o sa makasaysayang area caucus namin. . .sa aming lokal din ay nagsasagawa din kami ng caucus o emergency caucus. kami munang mga pamunuan ay nagtatalakay ng mga maseselang bagay bago namin ito talakayin kasama ang iba pa namin M.T, tinatalakay namin bawat napagusapan at nais din namin makuha detalye nila, yun nga lang medyo magulo kami at nagbibiruan sa panahon ng caucus na aking kinalulungkot. Ngayon ay pumunta na tayo sa bahagi ng FRIENDSHIP DAY:
nagsagawa kami ng tanging pag titipon una iniisip ko paano kaya yun may pasok ako, at talaga nga naman kailangan ko din pumasok di pwedeng di dahil sa araw ng lunes hanggang miyerkules ako'y nasa bakasyon. ang bait talaga ng ama dahil nga naman ginawa niyang walang pasok ang sabado, which is ako eh may pasok pero di ako required totally pumasok sa opisina ng 10am haay ang ama ng naman napakabait. tuloy tuloy nun ay nakapasyal pa kami ng taong mahal ko.
dumating ang friendship day bago ang lahat ako'y nasa line up na ng District Staff ( iniisip ko ano bang dapat? tanggapin ko ba ang tungkulin na yun? dapat ko ba tanggapin? karapat dapat ba ako mabilang sa line up na yun? bukay ba sa puso ko ang susumpaan ko ULIT na tungkulin kung saka-sakali? )
FRIENDSHIP DAY: October 29, 2006 @ 5:00 pm, Angono Municipal Gym
Ako ang naitalagang Emcee kasama ko ang pangalawang pangulo ng angono na si "untong" kung siya'y tawagin o si "michael.angono", lubos nga naman siya nag hirap ng 1 oras dahil ako'y nahuli ng 1 oras sa aktibidad, kahit pinaghandaan ko siya madami pa din ako'y bagay na inisip at inintindi ngunit di pa din kinaya at sa ayoko man o di nahuli na nga ako, pagdating ko agad agad ko ng sinimulan ang nasabing programa.
Masaya ngunit sa katapusan ng programa di man namin gustuhin may naging problema ang pagsasayaw at ang pag babanda na wala sa programa.
pagkatapos ng programa umuwi na ako agad dahil ramdam ko ang pagod sa aking katawan.