Thursday, February 01, 2007

. . . .

biernes ngayon. . .at bukas ay sabado wala akong pasok at sa bahay lang ako mag stay magkikta na lang kami ng 1 p.m. sa shopwis upang tumungo sa bulacan, bukas namin kukuhanin at kanyang babayaran ang singsing na sisimbolo sa aming pagmamahalan. . kahapon kung inyong nais malaman di ko masabi kung anong nangyari ang bilis ng takbo ng panahon ganitong minuto okay kami maya maya lang iba na ihip ng hangin may hangin na wari di mo maisip kung ano ang dala, na halos di ko rin lubos maisip saan nangaling bagay na tinuldukan na pero sa huli may kuwit pa pala. . . "SARCASTIC" isang salita na hinding hindi ko kakalimutan dahil sa kanya (sarcastic. - sarcastic,) iba yan sa lahat.
Ganda ng texto kagabi naantig ako at ninamnam ko ang mag salita hatid sa akin para ata sa akin yun. . . pero gusto ko dun sa lahat yung "ingatan mo yung taong bigay ng ama sa yo kaya niya yan binigay dahil mahal ka niya at dapt ingatan mo siya" - masasabi ko sa ama na tinutupad ko ang salita niya at tutupadin ko habang buhay di ako magsasawang alaga siya, di ko gagamitin ang salitang "tiyaga" dahil di ko yun kahit kailan ipaparamdam sa kanya yung totoo at nararapat na damdamin ko ang mararamdaman niya. . minsan lang sa buhay ko nagmahal ako ng ganito at minsan lang sa buhay ko naging ganito ko kasaya di matutumbasan ninomang pag ibig - napaka pasensyoso kahit mainit ang ulo niya.
aalagan ko siya lage at di pagpapalit kahit kaninoman. .