Friday, October 06, 2006

opisina

ako'y nagopisina ng dapat opisinahin aking napuna mga files na halo-halo noong pang 2004-2005 na nakahalo ngayon sa aking mga drawer at mga pira-piraso ng papel ng PNK, ng SUMMER DAY CARE pa ang iba. aking napagsabihan ang mga m.t. kaya nga ba ayokong magsalita eh dahil lalo nila akong pinag-d.d.s (district staff) pero ngayon medyo iwas na ang mga m.t. magpabaya pa sa mga kalat nila, sa mga napapabayaang tarabaho dahil akala nila district staff ako mga kapatid kong m.t di po. . di po ako taga-distrito.

----------------------------------

nag opisina din kahapon 6:45pm hanggang bago mag 10pm kasama ng iba pang mga mt ko natuwa naman ako dahil sila'y dumating at natapos nila mga pinapagawa ko. . .

nagpulong din ako sa binhi naipamahagi ko na din ang kanila mga imbitasyon para bukas na pulong eto ang aming imbitasyon at binigyan ko sila ng assignment na kanila naman gagawin:



Lokal ng Brookside
Joint Buwanang Pulong
KADIWA’T BINHI

Malugod po naming kayong Inaanyayahan sa isasagawang
Joint Pulong ng Kapisanang

BINHI at KADIWA
Sa araw ng linggo (Oct.8 4pm) na gaganapin sa ating Lokal. Umaasa po kami na hindi po natin ipagwawalang- bahala ang ating Aktibidad. Lubhang napakahalaga ang paksang tatalakayin sa Pagpupulong na ito.

Pamunuan

KADIWA BINHI
salamat sa mga binhi. . . dahil dyan treat ko kayo!
nakumpleto ko ma din mga dapat kong kumpletuhin sa aking isang pang opisina. . .masaya naman ako dahil kanila naman ginagalang ang akin lamesa, sa paraang di nila binabawasan mga gamit ko . . .

kagabi din nakausap kami ng mga d.s at ako na naman ay kanilang INAAWITAN. ngiti lang aking ginawa at tamang kamustahan.
kagabi din namin napagusapan ang mga bagay-bagay gaya ng pag hahanda sa aming nalalapit ng friendship day. namili ako kagabi ng mga main character at lahat naman sila sumang ayon sa aking napili dahil kahanga hanga naman talagang ang batang iyon at talagang pati kagandahan star na star :)
natapos ko na lahat ng aking gampanin. . .gusto ko naman pagsikapin makabili ako ng aking ipapamahagi sa mga BINHI AT KADIWA :)

214 di ko nais mapahamak

o ako'y maging dapat
sa iyo, aking ama,
di ko nasi mapahamak
ang aking kaluluwa;
o batid kong tinubos na
ako nga yong anak
lahat kong kasalanan
ay s'ya ang nagbayad.
o ama, iyong nasumpungan
sa iyong abang lingkod,
ang maraming kasalanan,
pagsuway, di pagsunod,
sa iyong ngang pagpapayo
ako'y iyong hinihintay
na magtapat na sa'yo
at magbagong-buhay.
o ama, iyong tulungan
ang iyo pong alipin
ang lahat kong kasalanan
akin nga maitaksil
kung ako man ay pumanaw
ako'y sa'yo pa rin
at ang putong ng buhay
tunay kong kakamtin.

salamat. . .

gusto kong magpasalamat sa'yo kasi pinakilala mo sa akin ang isang tulad niya. gusto kong sabihin na kontento na po ako, masayang masaya na po ako sa buhay ko dahil higit pa po sa pangarap ko, sa panata ko sa inyo gabi gabi binigay niyo po sa akin. mahal na mahal ko po di ko po paparamdam sa kanya ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya. Kung sakali dumating ang araw na hinihintay ko nangangako ako sayo ding di ko siya pababayaan. . magiging mabuti ako sa kanya gaya ng pagiging mabuti niya sa akin. sana sapat na ako para mahalin niya! alam ko alam po ninyo na buong buhay ko siyang hinintay ayokong mawala pa siya dahil di ko kaya, may mga pagkakataon may nanaig sa akin na selos siguro dahil sa mahal ko lang siya ama sana maintindihan niya yun.
ang dami ko ng gustong sabihin kasi ngayon nahihirapan ako pakiramdam ko natataken for granted niya ako. sana naman nagkakamali ako, sabi ni _._. " baka kasi alam niya mahal mo siya kaya ganun lang siya sa'yo balewala ka" sabi ko naman wag naman sana kasi di naman ganun pagkakakilala ko sa kanya. . .
natatakot ako. . .dahil di ko po kaya pag nawala siya alam ko ama alam ninyo po yan. . .

144 ang pangalan mong aking yaman

O jesus, ang yong pangalan ay siyang tangi kong kayamanan,
Babaunin ko sa libingan sa aking payapang paghimlay.

jesus, ikaw ay aking mahal nasa yong aking kaligtasan,
ikaw ang aking kaaliwan sa aking buhay na may lumbay.

kaya huwag mo pong tulutan jesus sa akin ay maagaw,
ang pangalan mong lubhang banal mahalaga sa aking buhay.

at sa araw ng yong pagdatal ay nais ko na yong abutan,
sa puso ko ay nakakintal ang pangalan mong aking yaman.