o ako'y maging dapat
sa iyo, aking ama,
di ko nasi mapahamak
ang aking kaluluwa;
o batid kong tinubos na
ako nga yong anak
lahat kong kasalanan
ay s'ya ang nagbayad.
o ama, iyong nasumpungan
sa iyong abang lingkod,
ang maraming kasalanan,
pagsuway, di pagsunod,
sa iyong ngang pagpapayo
ako'y iyong hinihintay
na magtapat na sa'yo
at magbagong-buhay.
o ama, iyong tulungan
ang iyo pong alipin
ang lahat kong kasalanan
akin nga maitaksil
kung ako man ay pumanaw
ako'y sa'yo pa rin
at ang putong ng buhay
tunay kong kakamtin.
No comments:
Post a Comment