Wednesday, December 27, 2006

Wala akong maisip na title

Tagal ko di ito nagalaw o nabukasan man lang para magkwento ng buhay buhay ko. . . masasabi ko lang kumpleto na buhay ko di ko to' ginawa pero ang nasasa itaas ang may gawa ng lahat ng ito, minsan talaga kailangan magtiyaga mag hintay dahil lahat ng pagod mo at inip walang katapusang ligaya at biyaya matatamo. Nagpapasalamat ako sa ama dahil sa kabutihang loob niya sa akin kahit alam ko di ako perpekto at nagkakasala ako sa kanya, pero lahat gagawin ko makabawi naman sa kanya, tatanawin kong isang malaking utang na loob ang lahat lahat ng ito sa kanya at di ko kakalimutan na ng 2006 dumating ang isang bagay na matagal ko ng inaasam at pinakahihintay. pinakilala sa akin ng ama ang tunay ng pag ibig na di matutumbasan at walang katulad. ito ay iingatan ko at di pababayaan gaya ng ginagawa ko ngayon sa kanya, lahat gagawin ko para lang maging maligaya siya at di mang iwan pa, . ganito pala ang sinasabi nilang pag ibig walang kaparehas, walang katulad at lahat handa mong gawin at isakripisyo para lang sa taong mahal mo di ka nang hihingi ng kahit anung kapalit kundi ang mahalin ka lang niya at pahalagahan lahat ng iyon ikasasaya mo na, ganito nararamdaman ko ngayon at masaya ako. di ko maiguguhit pa ang nararamdaman ko, di ko din kaya ikwento pa ng buong buo, di ko na kaya pang bilangin gaano ko siya kamahal, .
salamat ama sa taong binagay niyo sa akin. . iingatan ko siya at mamahalin ng buong buo. .