Kagabi nang pauwi na kami sa bahay, dali dali din siyang umalis kasi may ensayo po siya sa Lokal namin ng 7 pm dumating kami sa bahay ng 710pm so plano ko sana kasabay siyang kumain o kasabay siya pupunta ng kapilya namin pero sa kasawian palad di nangyari isa man dun - ang babaw ko. Nagdamdam ako inisip ko na lang nagmamadali nga siya 8pm kasi may pulong din kami.
Nakita ko siya sa labas ng Kapilya at nag mamadali ng umalis dahil may ensayo pa daw siya sa Lokal naman ng Valleyview siya lang ata ang tutupad sa kanila dahil ang mga kasama niya ay nakita ako sa harap ng kapilya at kahit si Gary na tagapagturo nila ay nandun din. Malamang may kabanalan na naman po siyang gagawin - minsan gusto ko ng magdamdam pero kailangan kong intindihin pa din siya kasi naalala ko dati yung sinabi niya "kaya niya akong iwan para lang sa tungkulin niya" ayokong makipag kumpetensya sayo ama dahil alam ko po na kahit saan anggulo talo ako, pangalawa pa din ako sa puso niya, pangalawa sa buhay niya, pate sa lahat ng bagay pangalawa ko okay na po yun kesa naman pangalawa po sa huli.
May time na pag ako naghihintay ng matagal wala siyang naririnig pero pag siya naman ang nag hihitay pwedeng mamaya o bukas makalawa isusumbat niya sa harap ko pa - di ko na lang iniinda pero nasasaktan ako haay sensitive na naman ako :( lagi na lang.
Pag ako nagyaya sa kanya minsan pag sabado dahil may lakad ako na gusto ko kasama siya di niya nagagawa kahit minsan lang pag bigyan niya ako - gaya na lang ng sabado naglalambing ang kapatid ko sabi niya wag na di pwede, hmm yun pala may tarp kaming aasikasuhin di tuloy kami nakapagdate ng maayos sana pala sinamahan ko na kapatid ko kung alam ko lang na 6 pm pa pala kami makaalis per ayokong magdamdam kasi para sa kapilya yun eh. Di naman ako nagtatampo kasi feeling ko di ako naappreciate :(
Sorry dahil dito po, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob.
Ama kung saka-sakali gusto ko ng sign, kasi pakiramdam ko di pa siya handa mag asawa kasi dami pa niyang bagay na ginagawa sa kapilya ayokong dahil sa akin lang mapabayaan niya yun napakasipag niya at talaga naman mag fofocus siya sa bagay na yun gusto niya may deadline para mapaghandaan lahat. ang layo layo ko sa kanya di ako gaya niya eh kaya minsan siguro di ko din siya maintindihan at nahihiya ako sa kanya. sa inyo po!
Haay buti na lang may blog sana mareceive niyo po dyan.
Tuesday, January 16, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)