Friday, October 06, 2006

144 ang pangalan mong aking yaman

O jesus, ang yong pangalan ay siyang tangi kong kayamanan,
Babaunin ko sa libingan sa aking payapang paghimlay.

jesus, ikaw ay aking mahal nasa yong aking kaligtasan,
ikaw ang aking kaaliwan sa aking buhay na may lumbay.

kaya huwag mo pong tulutan jesus sa akin ay maagaw,
ang pangalan mong lubhang banal mahalaga sa aking buhay.

at sa araw ng yong pagdatal ay nais ko na yong abutan,
sa puso ko ay nakakintal ang pangalan mong aking yaman.

No comments: