Ang konteksto ng kasaysayan ng Iglesia ni Cristo ay nakasasalay at umiikot sa ikadalawampung dantaon, na makikilala sa paglabasan ng mga rural na kilusang laban sa kolonyalismo, na kadalasan ay may temang pangrelihiyon. Sa panahong ito, ang mga misyonaryong mula sa Amerika ay nagpakilala sa kulturang Pilipino ng mga alternatibo sa Katolisismo na sya namang pamana ng mga Kastila.
Sa mga panahong iyon, si Felix Manalo na sinasabing lubhang relihiyoso na kahit ng siya ay bata pa lamang, ay sumali na sa mga relihiyosong organisasyon at nagpatuloy sa pagpapalipat lipat dahil ayon sa kaniya ay sinasalungat ng mga turo na ito ang aral sa Bibliya. Kinalaunan iprinoklama niya na siya ay mayroong misyon na itatag muli ang unang simbahan itinatag ni Kristo at mangaral ng mabuting balita.
Nagsimula ang mga INC na magkaroon ng taga sunod noong ika-27 ng Hulyo, 1914 sa Punta, Santa Ana, Manila; si Manalo ang umaktong punong ministro. Pinalaganap niya ang kaniyang mensahe sa kaniyang lokal na nasasakupan na naging dahilan ng pagdami nila at pag-akay sa ibang miyembro ng ibang relihiyon. Nang lumalaki na ang bilang ng organisasyon, humirang siya ng mga delegado para magpakilala ng turo ng Iglesia ni Cristo sa ibat ibang lupain, kabilang na ang mga nasa labas ng bansa. Noong namatay si Felix Manalo, taong 1963, ang kaniyang anak na si Eraño Manalo naman ang siyang humalili bilang ehekutibong ministro at si Eduardo V. Manalo naman ang "deputy executive minister".
Walang tiyak at patuloy na nagkakaibaiba ang estima sa bilang ng INC na posibleng syang pangalawang pinakamalaking Kristiyanong relihiyon sa Pilipinas. Ayon sa opisyal na website ng pamahalaan ng Pilipinas, ito ay may 2.3% ng kabuuang populasyon ng mga nananampalataya, pangalawa sa bilang ng Katoliko Romano.
Umabot na sa tatlong libong kongregasyon sa mahigit na 84 na bansa at territoryo sa buong mundo ang inaabot ng Iglesia ni Cristo. Kilala rin ang Iglesia ni Cristo sa Hawaii at California, dalawang estadong kilala sa dami ng imigranteng Pilipino. Bagamat hindi naglalabas ang Iglesia ni Cristo ng tunay na bilang ng kanilang miyembro, ang Catholic Answer ay naniniwala na sila ay maaring nasa pagitan ng 3 hanggang 10 milyon.
Kilala rin ang Iglesia ni Cristo dahil sa mga krimen na nailathala sa mga dyaryo. Marami ng napatay na mga walang kasalanan ang relihiyong ito.
Thursday, October 05, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment